LAGUNA – Arestado ang isang babaeng high-value target sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA at Calamba City Police Station noong Huwebes ng hapon sa Bucal Bypass Road, Brgy. Bucal, Calamba City. Kinilala ang suspek na si alyas “Irene”, 42, residente ng Barangay Pansol, Calamba. Ayon sa ulat ng PDEA Regional Office 4A, bandang alas-5 ng hapon nang isagawa ang buy-bust operation at nakumpiska mula sa suspek ang humigit-kumulang 550 gramo ng hinihinalang shabu na P3,740,000 ang halaga. Nasa kustodiya na ng PDEA 4A sa regional headquarters sa Sta. Rosa, Laguna…
Read More2 BANGKAY NATAGPUAN SA CAVITE
CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa dalawang bangkay ng lalaki na natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Dasmariñas City noong Huwebes ng gabi. Sa unang insidente, bandang alas-8:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng isang lalaking nakasuot ng itim na sando, blue na short at itim na sapatos sa Molino Paliparan Road, sakop ng Brgy. Salawag, Dasmariñas City. Wala namang nabanggit sa ulat kung may nakitang sugat sa katawan ng bangkay. Sa ikalawang insidente, isa ring bangkay ng lalaki na nakasuot ng navy blue na short at…
Read MoreOPLAN BAKLAS IKINASA NG COMELEC VS PASAWAY NA CAMPAIGN MATERIALS
SA pagsisimula ng kampanya sa lokal na posisyon nitong Marso 28, ang Commission on Elections naman ay nagsagawa ng Oplan Baklas o ang pagtanggal ng campaign materials na lumabag sa mga patakaran. Pinangunahan ito ni Comelec Chairman George Garcia, at ng mga kinatawan mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at EcoWaste Coalition. Ayon kay Garcia, marami pa ring mga pasaway na naglalagay ng campaign materials sa mga hindi designated area. Pinuna ni Garcia ang mga kandidato na sana bago nagsimula ang pag-arangkada ng local campaign ay pinatanggal na ang…
Read MoreAQUINO TOP 3 NA SA PUBLICUS SURVEY
NAKAPAGTALA si dating Senador at independent senatorial candidate Bam Aquino ng malaking pag-angat sa pinakabagong Publicus Asia senatorial survey, matapos umakyat mula sa ika-12 puwesto noong nakaraang taon patungo sa 3rd-4th positions. Mula 27 porsiyento sa 2024 fourth quarter survey, nadagdagan si Aquino ng anim na puntos patungong 33 porsiyento sa 2025 first quarter poll ng Publicus. Dahil sa pagtaas na ito, nakapasok si Aquino sa Top 5 ng naturang survey, na isinagawa mula Marso 15 hanggang 20 na nilahukan ng 1,500 respondents. Kapag nakabalik sa Senado, balak ni Aquino…
Read MoreIKA-7 DOJ ACTION CENTER BINUKSAN
SA layuning mas mapalawak pa ang access sa pagkakaloob ng hustisya sa bawat Pilipino, opisyal nang inilunsad ng Department of Justice (DOJ) ang ika-pitong DoJ Action Center Regional Office sa bansa. Nakapwesto ito sa Region XII, Koronadal City para maging accessible, ayon pa sa DOJ. Itinatag ang DOJAC noong 1985 na nagbibigay ng libreng legal assistance sa publiko na sinimulan sa Manila, at sa mga Region 1, 3, 5, 7, 10, 11 at pinakahuli o pinakabago ngayon sa Region 12. Partikular sa mga ipinagkakaloob na serbisyo ay legal counselling, referrals…
Read MorePANALO SA MAYNILA, SIGURADO NA; 67% VOTER PREFERENCE NAKUHA NI ISKO
SA huling survey ng OCTA Research, mula Marso 2-6, nagrehistro si dating Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ng magandang senyales na mananalo siya sa darating na May 12 midterm elections. Nakubra ni Yorme Isko ang 67% voter preference sa resulta ng OCTA na inilabas ngayong Biyernes, Marso 28, kasabay ng opisyal na pangangampanya ng mga aspiranteng alkalde sa Maynila. Kumubra lamang ng 16% ang katunggaling si Rep. Sam Versoza, kasunod si Honey Lacuna na nagrehistro naman ng 15%. Ibinadya pa ng OCTA Research ang posibleng landslide victory ng Yorme’s Choice…
Read MoreTEAM LANI UMARANGKADA SA TAGUIG
IPINAKILALA ni Mayor Lani Cayetano ang mga pambato ng Team TLC sa Kongreso ngayong 2025 midterm election sa katauhan ni Congressman Ading Cruz para sa District 1 Taguig-Pateros na inilarawan niyang “ama, lakas, at gabay” nya sa paglilingkod at Congressman Jorge Bocobo para sa District 2 na may buong malasakit sa ikalawang distrito at sa sektor ng mga may kapansanan. Kasama rin sa panawagan ni Mayor Lani ang suporta para kay Vice Mayor Arvin Alit na patuloy na magsisilbing “ama ng Sangguniang Panglungsod” at sa Lunas Party-list na may malasakit…
Read MoreSULONG SA PANIBAGONG LAS PINAS
PINASIMULAN ng mga opisyal na kandidato ng Nacionalista Party ang kanilang kampanya para sa halalan sa Mayo 12 sa San Ezekiel Moreno Parish Church sa C5 Extension sa Barangay Pulang Lupa Uno. Pinangungunahan ang slate ni NP Chairwoman Cynthia Villar na tumatakbo para sa nag-iisang upuan sa Kongreso, kasama ang kanyang pamangkin na si Carlo Aguilar na kandidato sa pagka-alkalde, at si Louie Bustamante na tumatakbo bilang bise alkalde. Kasama rin nila ang mga kandidato sa pagka-konsehal, pati na rin ang mga opisyal ng SK, barangay, at homeowners’ associations. Ipinahayag…
Read MoreGov. Garcia, ipinakita suporta kina Abalos, Revilla, Pacquiao, Tolentino sa campaign kick-off ng One Cebu
Pormal na inendorso ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang apat na kandidato mula sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa pagsisimula ng malawakang kampanya ng One Cebu sa lalawigan nitong Biyernes. Ito ay isang malaking tulong para sa Senate slate na suportado ng administrasyon, lalo na sa isa sa pinakamalalaking vote-rich provinces ng bansa bago ang midterm elections sa Mayo. Kabilang sa mga inendorso ni Garcia sina reelectionist Senators Ramon Bong Revilla at Francis Tolentino, dating Senador Manny Pacquiao, at dating Interior Secretary Benhur Abalos. Kasama ang mga lokal na…
Read More