HOUSE TO HOUSE AT PALENGKE TOUR NG TEAM BINAY SA MAKATI

PINANGUNAHAN ni UNA official candidate for Makati Mayor Nancy Binay ang unang salvo ng Team BINAY sa pamamagitan ng isang pasasalamat na misa sa San Ildefonso Parish Church sa Barangay Pio del Pilar, sa naturang lungsod. Kasama ni Binay ang kandidato ng UNA sa Vice Mayor Monsour del Rosario, at mga konsehal ng 1st District ng Makati. Sinundan ito ng house-to-house at palengke tour ng Team BINAY sa unang araw ng kampanyang lokal. (Danny Bacolod) 301

Read More

PRINSIPYONG TAPAT, HINDI KORAP IPAGPAPATULOY SA MAYNILA – MAYOR HONEY

“TAPAT, totoo…. hindi korap, hindi manloloko, hindi mang-iiwan.” Ito ang prinsipyong ipagpapatuloy ni Manila Mayor Honey Lacuna, at ng buong Asenso Manileño, isang pangako na kanilang binitawan sa harap ng Loreto Church sa Sampaloc nang pangunahan niya ang buong tiket ng Asenso Manileño sa simula ng unang araw ng kampanya noong Biyernes. “Tatlong taon na ang nakaraan, dito sa lugar na ito tayo nagsimulang mangarap at unang gumawa ng kasaysayan. Ngayon, narito na naman tayo, na muling humaharap sa Diyos at sa inyo. Dito sa Sampaloc, kung saan unang minahal…

Read More

SOCIAL WORKER LANG NG DSWD MAAARING MAG-ASSESS SA MGA BENEPISYARYO NG AKAP – GATCHALIAN

INIHAYAG ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) secretary Rex Gatchalian na walang referral na kailangan para ma-access ang Ayuda sa Kapos Ang Kita Program (AKAP) dahil tanging mga social worker lamang ng DSWD ang makakatukoy kung sino ANG kwalipikado para sa programa at maging ang kaukulang halaga ng tulong na ibibigay. Sa isang panayam, sinagot ng DSWD chief ang isang katanungan hinggil sa mga hakbang na isinagawa ng kanyang kagawaran upang maprotektahan ang AKAP mula sa paggamit ng mga politiko sa panahon ngayon ng pangangampanya para sa nalalapit…

Read More

Tolentino sa pagsusumite ng ‘Talampas ng Pilipinas’ chart sa UN agency EXPLORATION NG LANGIS, NATURAL GAS, MINERALS MABIBIGYANG-DAAN

MAGBIBIGAY-DAAN ang pormal na submisyon ng chart ng Talampas ng Pilipinas sa International Seabed Authority (ISA) ng United Nations sa eksplorasyon ng mga yaman nito para tugunan ang pangangailangan sa enerhiya ng bansa. Ito ang idiniin ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino, principal author ng Philippine Maritime Zones Law (RA 12064), na siyang nagpatibay sa hurisdiksyon ng bansa sa 13-milyong ektaryang undersea plateau na matatagpuan sa eastern seaboard ng bansa sa Hilagang Luzon. ANG pormal na pagsusumite ng bansa ng chart ng ‘Talampas ng Pilipinas’ sa International Seabed Authority…

Read More

MERALCO NAGSAGAWA NG WIRE CLEARING OPERATIONS SA NAIA ROAD

Nagsagawa ang Manila Electric Company (Meralco) ng isang buwang wire-clearing operations sa kahabaan ng Andrews Avenue sa Pasay City upang masiguro na ligtas at maayos ang daraanan ng mga motoristang papunta at galing sa the Ninoy Aquino International Airport (NAIA). “Mahalaga ang wire-clearing operations dito sa paligid ng NAIA para maalis ang mga nakalaylay na kable sa aming mga pasilidad, lalo na’t inaasahan natin ang pagdagsa ng mga biyahero dahil sa paparating na Semana Santa,” ani Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga. Patuloy na nakikipagtulungan…

Read More

Mga Babaeng Empleyado ng Meralco: Simbolo ng Husay at Galing sa Bawat Larangan

(Joel O. Amongo) Bagama’t malaki na ang napagtatagumpayan sa laban para isulong ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian, marami pa rin ang kailangang gawin para tunay na makamit ang patas na oportunidad para sa lahat hindi lamang sa trabaho kundi sa buong lipunan. Halimbawa, sa tradisyunal na industriyang pinangungunahan ng mga lalaki tulad ng enerhiya, ang kababaihan ay bumubuo lamang ng mas mababa sa 20% ng kabuuang manggagawa sa sektor na ito ayon sa ulat ng World Energy Employment 2024. Dito sa Pilipinas, isa ang Manila Electric Company (Meralco) sa mga…

Read More

PAGHAHANDA SA ‘THE BIG ONE’

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO Nakababahala ang tumamang lindol sa Myanmar nitong nakaraang linggo, na yumanig din sa mga karatig bansa kagaya ng Thailand at Vietnam, at ilang bahagi ng India, China, Cambodia at Laos. Base sa mga balita, mahigit 150 na ang naitalang patay at inaasahang tataas pa ito sa pagpapatuloy ng mga rescue operation. Malawakang pinsala rin ang dinulot nito sa Bangkok – kung saan bumagsak din ang itinatayong skyscraper at pinangangambahang mayroon pang nasa 100 kataong na-trap dito. Kasama rin sa giniba ng lindol ang Ava Bridge…

Read More

BOLA RITO, BOLA ROON

CLICKBAIT ni JO BARLIZO UMARANGKADA na nga ang kampanya ng mga lokal na kandidato para sa Halalan 2025. Katulad ng nagdaang mga panahon ng panunuyo ng mga politiko sa mga botante, muling niligalig ang paligid ng sa banda rito, sa banda roon ng mga sasakyang naghuhumiyaw ng mga jingle ng kandidato. At syempre, bola rito, bola roon na naman ang inaatupag ng mga kandidato. ‘Mayroon na namang lalangoy sa dagat ng basura’ at kung ano-ano pang drama. Umuulan ang mga T-shirt at iba pang anyo ng pinamimigay. Parang pista na…

Read More

17 PINOY SA QATAR NANANATILI SA PIITAN

TINATAYANG 17 Pilipino ang nananatili sa police station sa Qatar matapos arestuhin dahil sa pagsasagawa ng political demonstration. “Mayroong 17 na nasa police station pa… mga one hour from the capital Doha,” ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega. “Nag-rally sila… Pinapunta na natin ang ating mga opisyal… We are going to monitor and coordinate,” ang sinabi nito. Sa ulat, sinabi ng Philippine Embassy sa Qatar na ang ilang pinoy na inaresto sa Qatar ay para sa ”suspected unauthorized political demonstrations.” ”The Embassy of the Republic…

Read More