IKA-7 DOJ ACTION CENTER BINUKSAN

SA layuning mas mapalawak pa ang access sa pagkakaloob ng hustisya sa bawat Pilipino, opisyal nang inilunsad ng Department of Justice (DOJ) ang ika-pitong DoJ Action Center Regional Office sa bansa.

Nakapwesto ito sa Region XII, Koronadal City para maging accessible, ayon pa sa DOJ.

Itinatag ang DOJAC noong 1985 na nagbibigay ng libreng legal assistance sa publiko na sinimulan sa Manila, at sa mga Region 1, 3, 5, 7, 10, 11 at pinakahuli o pinakabago ngayon sa Region 12.

Partikular sa mga ipinagkakaloob na serbisyo ay legal counselling, referrals at endorsement sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno para sa mediation services.

Layunin ng DOJAC na mapagtibay ang rule of law at maging accessible at maibigay ang tamang hustisya sa bawat Pilipino.

(JULIET PACOT)

49

Related posts

Leave a Comment