TULO-TULOY ANG PAGSULONG NG SILANG

TARGET ni KA REX CAYANONG NAGING 5th Placer sa prestihiyosong “2023 Outstanding Local Civil Registry Office” sa buong lalawigan ng Cavite ang Silang. Hindi lamang ito pagkilala sa husay at galing ng serbisyong sibil kundi pati na rin sa pagpapakita ng pagmamahal at pag-alaga sa mamamayan ng Silang. Nagpasalamat nang taos-puso si Municipal Mayor, Atty. Kevin Anarna, sa lahat ng mga kawani ng Municipal Civil Registry Office sa pangunguna ni G. Priscilla R. Tagle, sa kanilang dedikasyon at serbisyo. Sa pamamahala ni Anarna, kasama si Municipal Administrator Nathaniel “Jung” Anarna, Jr.…

Read More

KINAKAILANGAN PA RIN BUSISIIN ANG ESC

EDITORIAL MAYAYAMAN o may kayang estudyante sa halip na ang mahihirap ang karamihan sa mga benepisyaryo ng Educational Service Contracting (ESC). Sa pagsusuri ni Senador Sherwin Gatchalian sa Annual Poverty Indicators Survey (APIS), natuklasang para sa School Year 2020-2021, 68% ng mga ESC recipient ay galing sa mga non-poor households o iyong mga pamilyang ang kabuuang kita ay lagpas o katumbas ng per capita threshold. Para sa School Year 2019-2020, 59% ay galing din sa non-poor households. Ang ESC ay isang partnership program ng Department of Education (DepEd) na layong solusyunan ang congestion o bawasan ang siksikan sa…

Read More

LOCAL OCD CHIEF PATAY SA AMBUSH

PATULOY na tinututukan ng Philippine National Police ang kaso ng pinaslang na local disaster chief ng Cotabato City, na pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek. Ayon sa ulat, napatay ang opisyal ng Cotabato City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) matapos umanong tambangan ng hindi pa kilalang mga suspek. Kinilala ng Cotabato Provincial Police Office (PPO) ang biktimang si Jose Raymond Marquez, chief of operations ng Cotabato CDRRMO. Agad nalagutan ng hininga ang biktima makaraan ang pananambang noong Sabado ng gabi sa Barangay Rosary Heights 4. Base sa…

Read More

GOV’T DAPAT HUMIKAYAT NG MAS MARAMING INVESTORS

IMINUNGKAHI ng isang malaking grupo ng Filipino-Chinese businessmen na dapat mas tutukan ng gobyerno ang pag-akit at paghikayat ng mamumuhunang mga mangangalakal at bigtime investors upang makalikha ng mas maraming trabaho, na maaaring maghatid ng mas mataas na suweldo para sa mga manggagawa. Bahagi ito ng naging pahayag ni Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) president, Dr. Cecilio Pedro kaugnay sa pagpapaunlad ng pamumuhunan sa bansa at sa isinusulong na wage increase para sa mga manggagawa. “Ang mas maraming namumuhunan ay mangangahulugan ng mas maraming…

Read More

FUEL TANKER TUMAGAS

NAALARMA ang mga residente nang tumagas ang isang Isuzu tanker na naglalaman ng kemikal sa panulukan ng Pedro Gil St. at Quirino Avenue, Malate nitong Linggo ng madaling araw. Ayon sa ulat ng isang Dominador Evangelista, 36, driver, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang tumagas ang kemikal mula sa mimamaneho niyang tanker na may plakang CAY-1606, sa naturang lugar Agad siyang huminto at kinumpuni ang butas mula sa tanker. Mabilis namang nagresponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP), sa pangunguna nina Manila Team Leader, Fire Superintendent Leo…

Read More

GINANG UMINOM NG LASON

UMINOM ng lason ang isang 48-anyos na ginang makaraang makipagtalo sa kanyang asawa dahil sa problema ng pananalapi, sa kanilang bahay sa Quiapo, Manila nitong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si alyas “Corazon”, residente ng nabanggit na lugar. Batay sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang uminom umano ng lason ang biktima makaraang makipagtalo sa kanyang mister dahil sa problema sa pera. Agad isinugod sa Ospital ng Sampaloc ang ginang ngunit hindi umabot nang buhay. (RENE…

Read More

Marcos, Romualdez panay sawsaw sa ayuda ANTI-EPAL LAW KAILANGAN NA

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MULING naging maugong ang pangangailangan na magkaroon ng Anti-Epal Law sa Pilipinas matapos banatan ni Davao City Mayor Baste Duterte si House Speaker Martin Romualdez sa paglalagay ng kanyang pangalan sa ipinamamahaging ayuda. Maging si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ay nakiisa na rin sa panawagan na ipagbawal sa mga politiko ang pamamahagi ng ayuda ng pamahalaan lalo na kung ito ay pera. “Pag actual distribution na ang cash assistance dapat umalis na ang politiko,” tugon ni Pimentel sa isang panayam. Sunod-sunod ang pamamahagi…

Read More

SENATOR RICE PINASALAMATAN SA PAGTINDIG LABAN KAY MARCOS

PINASALAMATAN ng isang militanteng mambabatas sa Kamara si Australian Senator Janet Rice sa pagtindig nito laban sa Human Rights Violations ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Magugunita na habang nagtatalumpati si Marcos sa Australian Parliament ay naglabas ng placard si Sen. Rice na may nakasulat na “Stop the Human Rights Abuses”. Ayon kay Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, dapat pasalamatan si Rice dahil hanggang ngayon ay ayaw aminin ni Marcos ang kalupitan ng amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Jr. “Now, under his very own administration, state forces…

Read More

4Ps BENEFICIARIES PINALILIBRE SA VAT

4ps12

IMINUNGKAHI ng isang mambabatas na ilibre ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa value added tax (VAT). “For me ang laking tulong kung matatanggalan ng 12% (VAT) lahat ng binibili ng mga miyembro ng 4Ps. Pag sila ang bumibili dapat minus VAT na sila,” paliwanag ni Nueva Ecija Rep. Rosanna Vergara. Ang mga benepisyaryo ng 4Ps ay mga pamilyang may pinag-aaral na anak mula kindergarten hanggang senior high school subalit kapag natapos na sa basic education ang kanilang mga supling ay inaalis na ang mga ito sa…

Read More