DEPED PINUNA SA VOUCHER PROGRAM

BINATIKOS ni Senador Win Gatchalian ang kawalan ng linaw kung epektibo nga bang natutugunan ng Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) ang mga isyung may kinalaman sa sobrang siksikan sa mga pampublikong paaralan. Ito ay makaraang lumitaw sa Performance Audit Report ng Commission on Audit (COA) noong 2018 na limitado ang datos ng Department of Education (DepEd) sa mga epekto ng GASTPE sa pag-decongest ng mga pampublikong paaralan. Pinuna rin ng komisyon na walang malinaw na performance indicators ang programa. Iginiit ni Gatchalian na dapat tutukan…

Read More

ECO CHA-CHA MALABONG LUMUSOT SA SENADO

MALABONG maaprubahan ang isinusulong na economic Charter change sa Senado. Ito ang paniniwala nina Senador Cynthia Villar at Senate Minority Leader Aquilino Koko PImentel III sa gitna ng patuloy na pagtalakay ng Senado sa Resolution of Both Houses No 6. Sinabi ni Villar na ngayon pa lamang ay buo na ang kanyang pasya na boboto siya laban sa RBH 6 dahil hindi naman ito ang tunay na kagustuhan ng mga dayuhang mamumuhunan. “Oo decided na ako alam ko na boto ko,” pahayag ni Villar sa panayam ng DWIZ. Kinatigan din…

Read More

2 BABAENG TULAK TIMBOG SA P700K SHABU

LAGUNA – Arestado ang dalawang babaeng nakatala bilang high value individuals (HVIs) makaraang makumpiskahan ng mahigit P700,000 halaga ng umano’y shabu sa Calamba City noong Sabado ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Kharima” at “Normalah”. Ayon sa report, nadakma ang dalawa ng mga tauhan ng Calamba City Police sa isinagawang buy-bust operation sa bus stop sa Suero Compound, Brgy. Paciano. Nakumpiska sa mga suspek ang 113 grams ng umano’y shabu na tinatayang P768,400 ang halaga. Nakakulong na ang mga suspek sa Calamba City Police station locked-up cell…

Read More

SUNOG AT CHOP-CHOP NA KATAWAN NATAGPUAN SA SAMAR

SAMAR -Natagpuan ng mga residente ang mga bahagi ng sunog na katawan ng isang babae sa tabi ng koprahan malapit sa gilid ng dagat sa Barangay Canunghan, sa bayan ng Tarangnan sa lalawigan noong Biyernes ng hapon. Ayon sa Tarangnan Police, ilang barangay officials ang nakakita sa sunog na bangkay habang hinahanap ang isang babae na kinilalang si alyas “Joy”, napaulat na nawawala noong Biyernes ng umaga. Base sa imbestigayon ng pulisya, halos hindi na makilala ang bangkay dahil sunog ang halos buong katawan nito. Agad nakipag-ugnayan ang Tarangnan PNP…

Read More

AKYAT-BAHAY NASILO SA IMUS CITY

CAVITE – Arestado ang isang 19-anyos na hinihinalang akyat-bahay makaraang inguso na siyang tumangay sa halos P200,000 halaga ng laptop, mountain bike at sari-saring damit mula sa isang bahay na nilooban nito sa Imus City, nitong Linggo ng madaling araw. Dinakip ang suspek na si alyas “Joshua”, ng Brgy. Bucalandia, Imus City, matapos pasukin ang bahay ni alyas “Cherry”, 49, ng Brgy. Buhay na Tubig, Imus City. Ayon sa ulat, pinasok ng suspek ang bahay ng biktima sa nasabing lugar sa pamamagitan ng pag-akyat sa isang puno malapit sa terrace…

Read More

1 PATAY, 2 SUGATAN SA NIRATRAT NA BINYAGAN

QUEZON – Hindi umabot nang buhay sa ospital ang isang negosyante habang sugatan ang dalawa nitong kasama makaraang pagbabarilin habang nag-iinuman sa pagdiriwang ng binyagan sa isang bahay sa Sitio Kampuklo, Brgy. Buenavista West, sa bayan ng Candelaria sa lalawigan noong Biyernes ng gabi. Tinamaan ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Manolito Laygo, 56, habang tinamaan ng mga ligaw bala sa leeg at binti ang dalawang kainuman nito na sina Sergio Bosita, 61, at Edwin Aquino, 51-anyos. Batay sa report ng Candelaria Police, mag-aalas-9:00…

Read More

BATANG BABAE GINAHASA’T PINATAY, ISINAKO SA QUEZON

QUEZON – Natagpuang nasa loob ng sako ang bangkay ng isang 7-anyos na batang babae na hinihinalang ginahasa bago pinatay sa bayan ng Atimonan sa lalawigan. Nadiskubre ang katawan ni Mae France Nera, taga Barangay Zone 4, dakong alas-2:00 ng hapon noong Sabado, matapos i-report sa pulisya ng isang binatang scavenger at ng isang 9-anyos batang lalaki na kalaro nito, na nakita umano nila ang biktima na nakasilid sa sako sa magubat na bahagi sa boundary ng Barangay Tagbakin at Zone 2 sa nasabing bayan. Ngunit sa pagsisiyasat ng pulisya,…

Read More

13 VIETNAMESE INARESTO SA ILLEGAL HEALTH SPAs

INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang 13 Vietnamese nationals dahil sa pag-o-operate ng illegal health spas at clinic sa Metro Manila. Sinakote ang mga ito sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon ng mga kawani ng Immigration intelligence agents sa Makati City, Parañaque City, at Pasay City. Batay sa nakalap na impormasyon, walang maipakita ang mga inaresto na working visa at permit galing sa pamahalaan para sa operasyon ng kanilang clinic at spa. Nahaharap ang mga ito sa kasong kriminal dahil sa paglabag sa Philippine Immigration Act of…

Read More

Solon duda sa kawalan ng aksyon COVER-UP SA PAGKAMATAY NG 90 KATAO SA MACO LANDSLIDE

NAGDUDUDA si ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo na pinagtatakpan ang nangyari sa Maco landslide noong nakaraang buwan lang. Tila aniya walang ahensya ang nais mag-imbestiga sa pagkamatay ng 90 katao sa Maco, Davao de Oro noong nakaraang buwan dulot ng landslide. Aniya, “parang walang gustong kumilos at parang gustong ibaon na lang natin sa limot ang insidente”. Ayon kay Cong. Tulfo, “okey lang na hindi na imbestigahan kung walang namatay, kaso 90 ang binawian ng buhay doon…ganun-ganun na lang ba”? Dagdag pa ng mambabatas, akala niya ay kikilos agad ang Department…

Read More