SINABI ni Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez na ang West Philippine Sea (WPS) ang “real flashpoint” para sa armed conflict sa Asya at hindi ang isyu ng Taiwan. Sa pagsasalita ni Romualdez sa Consular Corps of the Philippines, nagpahiwatig ito na ang tensyon sa mga nakalipas na buwan sa pagitan ng Pilipinas at China ay mas nakaaalarma kaysa sa posibilidad na Asian power sa pagsalakay sa Taiwan. “The real problem and the real flashpoint, which is why I’m telling you how critical it is for us. The real…
Read MorePAGDINIG NG KAMARA SA ECO CHA-CHA ILEGAL
ITINUTURING ng mga militanteng mambabatas sa Kamara na ilegal ang pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Resolution of Both Houses (RBH) No.7 para amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution dahil hindi ito kasama sa tatlong paraan sa pag-amyenda sa Saligang Batas. Sa press conference kahapon sa Kamara, sinabi ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na maaaring kuwestiyonin sa Korte Suprema ang pamamaraan ng Kamara. Ipinaliwanag ng mambabatas na base sa Saligang Batas, maaaring amyendahan ang konstitusyon sa pamamagitan ng Constituent Assembly (ConAss), Constitutional Convention (ConCon) at People’s Initiative…
Read MoreSa marahas na dispersal sa mga raliyista BATASAN POLICE COMMANDER IPATATAWAG SA KAMARA
MAGHAHAIN ng resolusyon ang Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para imbestigahan ang patuloy na paggamit ng puwersa ng Quezon City Police Station 6 para sikilin ang karapatan ng mga tao na mag-rally sa Batasan Complex. Ito ang kinumpirma ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas dahil muling gumamit umano ng puwersa ang mga tauhan ni Police Lt. Col Jerry Castillo laban sa mga raliyista na sumugod sa Batasan Pambansa Complex para igiit na ipasa ang dagdag na sahod sa lahat ng mga manggagawa sa bansa noong Miyerkoles. “Namumuro na…
Read MoreBUHAY NI LOLO KAPALIT SA PURI NG APO
QUEZON – Dead on the spot ang 58-anyos na lalaki matapos barilin ng stepson nito na ama ng batang babaeng ginahasa umano ng una sa bayan ng Lopez, dalawang taon na ang nakararaan. Kinilala ang biktimang si Rogelio Basquinas Arganda, magsasaka at residente ng Barangay Sumalang sa naturang bayan. Ayon sa report ng Lopez Police, nanonood ng television sa balcony ng kanyang ipinagagawang bahay ang biktima dakong alas-8:30 noong Miyerkoles ng gabi, nang dumating ang suspek na kinilala lamang sa pangalang Louielito. Walang sabi-sabing binaril umano nito ang biktima na…
Read MoreP3.5M- SHABU NASABAT SA 2 TULAK SA BACOOR
CAVITE – Umabot sa mahigit P3.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa arestadong dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City at Dasmariñas City noong Miyerkoles ng gabi. Nasamsam ang tinatayang 500 gramo ng hinihinalang shabu mula sa suspek na si alyas “King”, 37, habang 25 gramo naman ang nakumpiska mula sa suspek na si alyas “Ford”. Ayon sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Bacoor Component City Police Station- Drug Enforcement Team, lead unit,…
Read More2 MINOR DRUG PERSONALITIES TUMAKAS SA CSWD FACILITY
CAVITE – Pinaghahanap ng mga awtoridad ang dalawang menor de edad na may kasong ilegal na droga, makaraang tumakas mula sa pasilidad ng City Social Welfare and Development (CSWD) sa Cavite City noong Miyerkoles ng umaga. Ayon kay Joan Vivora Rebogio ng CSWD, Cavite City, sina alyas “Jerome” at “Erick”, kapwa Children in Conflict with the Law (CICL), ay pumuga mula sa kanilang kustodiya dakong alas-6:35 ng umaga. Nabatid sa imbestigasyon, ang dalawa ay nakatakas sa pamamagitan ng pagsira sa bintana ng pasilidad. Si Jerome ay inaresto ng Cavite Component…
Read MoreRIDER PATAY SA AMBUSH NG NAKA-KOTSENG ARMADO
QUEZON – Dead on the spot ang isang lalaking sakay ng motorsiklo matapos pagbabarilin ng mga suspek na nakasakay sa isang kotse sa bayan ng Infanta sa lalawigan noong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa report ng Infanta Police, nangyari ng insidente sa national highway sa Brgy. Pilaway, mag-aalas-7:00 ng umaga. Batay sa imbestigasyon, galing sa kanyang bahay ang biktimang si Manuelito Batawan Junio, 41, at patungo sa Infanta town proper habang sakay ng motorsiklo, nang buntutan ng itim na kotse ng mga suspek. Nang makatiyempo, sinabayan ng kotse ang motorsiklo…
Read MoreP28-M SMUGGLED YOSI NASABAT NG PHIL. NAVY
DAVAO OCCIDENTAL – Nasabat ng mga tauhan ng Philippine Navy ang P28.6 milyong halaga ng smuggled na mga sigarilyo sa karagatan malapit sa Balut Island sa lalawigan noong Martes. Ayon sa pahayag ng Naval Forces Eastern Mindanao, naharang ng kanilang navy ship na BRP Artemio Ricarte (PS37), ang motorized banca na M/B Mhufar-3, na may kargang 1,846 malalaking kahon ng mga sigarilyo na ipupuslit sana patungo sa Malita, Davao Occidental. Galing ang bangka sa Tawi-Tawi at may kargang malaking bulto ng ilegal at undocumented cigarettes. Ikinustodiya rin ng mga awtoridad…
Read MoreRED NOTICE VS TEVES INILABAS NG INTERPOL
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NAGLABAS na ng “red notice” ang International Criminal Police Organization (Interpol) laban kay dating Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo “Arnie” Teves, Jr. Kapwa ito kinumpirma ng National Bureau of Investigation at Department of Justice (DOJ) kahapon. Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, ang hakbang ay kaugnay ng mga kasong kinakaharap ni Teves na may kinalaman sa mga pamamaslang sa kanyang lalawigan. Kabilang dito ang pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at ilan pang indibidwal. Nitong Martes, inihayag ni DOJ Spokesperson Asec. Mico Clavano…
Read More