WALA pang “basbas” ang gobyerno para sa pagbibigay ng booster lalo na sa health workers.
Ang paliwanag ni NTF against COVID-19 Chief Implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr., kailangan munang sumalang ang usapin sa deliberasyon.
Ani Galvez, ang deliberasyon sa pagitan ng panel of experts gaya sa bakuna ay pag-uusapan ang tamang panahon kung kailan dapat iturok ang booster shots.
Kabilang din aniya sa deliberasyon ang pagbabakuna sa mga bata o pediatric vaccination.
“Hinihintay po natin iyong tinatawag na deliberations ng all expert panel at saka vaccine expert panel on the date na kung kailan talaga tayo gagamit ng tinatawag nating boosters. And also, kasama na rin po roon iyong pediatric vaccination,” ani Galvez.
Lumutang ang pangangailangang unang masaksakan ang mga health worker ng booster shot dahil sa sinasabing diminishing effect ng bakuna na ang epekto ay nasa anim na buwan lamang. (CHRISTIAN DALE)
264 