PAGGAMIT NG SOLAR POWER IPINASUSULONG SA KONGRESO

solar

(NI MAC CABREROS)

HINILING ng isang partylist na hindi pinalad nitong nakaraang May 13 election, kay Pasig City Rep. Roman Romulo, na isulong sa Kongreso ang panukalang paggamit ng solar power para makalibre sa kuryente ang mamayan.

Ayon Engr. William J. Juan, nominee ng Marvelous Tayo Partylist at residente ng Brgy. Dela Paz, Pasig City,  dapat pagtuunan ng Kongreso sa pamamagitan ni Rep. Romulo ang magandang dulot ng solar power na “libreng kaloob ng Inang Kalikasan na dapat mapakinabangan ng sambayanan.”

Binanggit ni Juan sakaling maikabit ang kahit tig-isang 300W na solar panel ang 20,000.000 bahay sa buong bansa, nasa 6,000.000.000 watts  na katumbas  o higit pa sa produksyon ng isang power plant.

“Sa solar, madaling ikabit at mabilis mapakinabangan samantalang sa  power plant ay matagal itayo at abutin ng taon bago gumana,” diinpa ni Juan.

Iminungkahi rin kay Rep. Romulo na pag-aralan kung maaring isabatas ang pagpursige sa mga kabahayan ang pagkakabit ng rainwater harvester para mapakinabangan ang tubig-ulan gayundin upang maibsan ang baha.

Maaaring gamitin sa pang-araw araw ang maiipong tubig-ulan at katumbas ito ng menos gastos sa tubig.

“Bukod dito, mababawasan ang tubig na dadaloy sa kanal upang hindi umapaw. Kung bumaha man ay hindi gaano ito mataas o tuluyang maibsan ang baha,” wika pa ni Juan.

181

Related posts

Leave a Comment