PAGKAANTALA NG PAGLILIMBAG NG BALOTA

MISTULANG problema ang kinakaharap ng Commission on Elections (Comelec) sa inilabas na temporary restraining ­order (TRO) ng Korte Suprema kaugnay ng mga petisyong inihain ng party-list groups na tinabas mula sa mahabang talaan ng mga hangad ay lumahok sa halalan.

Dangan naman kasi, nagsimula na ang proseso sa pag-iimprenta ng balotang gagamitin ng mga botante sa pagpili ng national at local officials, maging ang party-list group na ­kakatawan sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Ang siste, hindi na nakasama ang mga party-list sa unang bugso ng ­paglilimbag ng balota sa mga lalawigang saklaw ng ­pinakamalaking rehiyon sa Mindanao – ang ­Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ang totoo, limitado ang salaping laan para sa Comelec sa ilalim ng 2022 General Appropriation Act na ipinasa ng Kongreso para sa halalan kaya naman sadyang nakapanghihinayang ang masasayang na balotang nalimbag na.

Sa bahagi ng Comelec, obligadong tupdin ang takdang araw para sa paghahanda, bagay na tila hindi ­isinaalang-alang ng ­Korte Suprema.

Sa isang banda, hindi na sana aabot pa sa ganitong problema ang komisyon kung maaga pa lang sinuri na ang mga naghain ng kandidatura.

Kaduda-duda rin ang paglusot ng party-list groups na mistulang ­ginagamit lang ng mga mapagsamantalang ang ambisyon ay maging kongresista.

May grupong kumakatawan sa mga ina ng tahanan pero ang nominadong kinatawan, hindi pa naranasang maging ina.

Pero ang healthcare workers etsapwera!

151

Related posts

Leave a Comment