PAGKAKAALIS NG PH SA ‘GREY LIST’ MAGPAPATIBAY SA KUMPIYANSA SA EKONOMIYA – ROMUALDEZ

PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos matanggal ang Pilipinas sa dirty money grey list ng Financial Action Task Force (FATF) na nakabase sa Paris, na pakikinabangan ng mga overseas Filipino worker (OFWs) dahil bababa ang singil sa kanilang remittance na ipinapadala sa kanilang mga mahal sa buhay sa bansa.

Kinilala rin ni Speaker Romualdez ang malawak na epekto ng pagkakatanggal ng Pilipinas sa grey list hindi lamang sa mga OFW kundi maging sa mga nagnenegosyo sa bansa.

“By restoring our standing in the global financial community, we are removing burdensome restrictions, reducing transaction costs, and allowing financial flows to move more efficiently. This is particularly good news for our OFWs, whose hard-earned remittances will now be processed faster and with lower fees,” ani Speaker Romualdez.

Itinuturing naman ito ng Speaker bilang makasaysayang tagumpay ng administrasyong Marcos na isa umanong patunay ng pagsusumikap ng bansa sa pagkakaroon ng integridad sa pananalapi, transparency, at pandaigdigang pamumuno sa ekonomiya.

“The Philippines’ exit from the FATF grey list is a monumental victory for our economy and a resounding testament to our collective resolve to uphold the highest standards of financial governance. It restores global confidence in our financial institutions and opens the floodgates for greater investments, economic growth, and international partnerships,” sabi ni Speaker Romualdez.

Napasama ang Pilipinas sa FATF grey list noong Hunyo 2021, sa administrasyong Duterte.

Iginiit din ng lider ng Kamara ang malaking ambag ng Kamara de Representantes sa pamamagitan ng reporma sa lehislasyon sa pagpapalakas ng anti-money laundering at counter-terrorism financing framework ng bansa, na kabilang sa pangunahing kondisyon para maalis ang Pilipinas sa listahan.

“We in the House worked closely with the Executive Branch, the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), the Anti-Money Laundering Council (AMLC), and other key institutions to pass and implement crucial financial measures that paved the way for this success,” dagdag ni Speaker Romualdez.

Para sa larangan ng pagnenegosyo, tinukoy ni Speaker Romualdez na mapapalakas nito ang tiwala ng mga mamumuhunan, makakaengganyo ng foreign direct investment (FDI), at mapapaigting ang relasyong pangkalakalan para maiposisyon ang bansa bilang premyadong economic hub sa rehiyon.

Kinilala ng Speaker ang malakas na pamumuno ni Pangulong Marcos na inilatag ang roadmap para makasunod sa FATF action plan sa pamamagitan ng Executive Order (EO) No. 33 na inilabas noong 2023.

“This milestone underscores that Bagong Pilipinas is not just a vision—it is an era of decisive governance, where reforms are pursued with discipline, unity, and determination. Under President Marcos’ leadership, we have shown the world that the Philippines is ready to take its place among the most trusted economies,” paglalahad ni Speaker Romualdez.

9

Related posts

Leave a Comment