PAGLABAG NG UST SA QUARANTINE PROTOCOLS GUSTONG SILIPIN SA SENADO

HANDA si Senador Christopher Bong Go na imbestigahan ang isyu ng sinasabing breach of quarantine protocols ng University of Santo Tomas (UST) nang dalhin ang buong basketball team nito sa Sorsogon para mag-practice bilang paghahanda sa susunod na UAAP men’s basketball season.

Sinabi ni Go, chairman ng Senate Committee on Sports, dapat isinaalang-alang ng mga nasa likod ng naturang hakbang ang kaligtasan ng mga estudyante.

Inihayag nito na sa layo ng Sorsogon sa Metro Manila, maraming probinsiya at iba’t ibang quarantine protocols ang dinaanan ng mga manlalaro ng UST.

Giit nito, hindi dapat nailagay sa peligro ang mga kabataan kasabay  ng paalala sa coaches na kargo ng mga ito ang kanilang mga manlalaro at hindi dapat magmadali sa paghahanda ngayon dahil delikado pa ang panahon.

Ayon kay Go, ang kalusugan ng mga mag-aaral ang pangunahing dahilan kaya walang face to face learning  at ipinagpaliban ang pagsisimula ng  klase sa gitna ng  kinakaharap na COVID-19 pandemic. (NOEL ABUEL)

153

Related posts

Leave a Comment