PCC OFFICIALS NASERMUNAN SA BIGONG IMPLEMENTASYON NG P450-M DAIRY PROJECT

NASERMUNAN ni Senador Cynthia Villar ang mga opisyal ng Philippine Carabao Center (PCC) sa nabigong implementasyon ng P450 milyong dairy project upang maitaas ang produksiyon at magbigay ng hanapbuhay sa maraming magsasaka.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on agriculture and food, sinabi ni Villar kanyang inawtor ang Proposed Senate Resolution No. 504 upang imbestigahan ang kalagayan ng dairy industry sa bansa na ipinatutupad ng  National Dairy Authority (NDA) at Philippine Carabao Center (PCC) sa ilalim ng Department of Agriculture.

“The NDA and the PCC have been in existence for 25 years and 28 years, respectively, and we continue to import more than 99 percent of our demand for dairy. This means we have been missing the opportunity to make our kababayan, especially the farmers, benefit from the dairy industry as a source of additional income and for our children to have access to affordable milk,” ayon kay Villar.

Sa naturang pagdinig, inungkat din ni Villar kay PCC Executive Arnel del Barrio kung bakit hindi naipatupad ang P450 milyong halaga ng proyekto na magtatayo ng dairy processing centers sa 28
lokasyon at magbigay ng intercropping opportunities sa magniniyog sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Naglaan si Villar ng halagang P10 milyon sa bawat 28 locations o may kabuuang P280 milyon para sa proyekto bukod pa sa badyet ng PCC. Inatasan din niya ang Philippine Coconut Authority na maglaan ng  P170 million sa 17 coconut producing provinces kaya nabuo ang P450 milyon.

Sinabi ni Villar na umabot sa 23,690,000 litro ang produksiyon ng gatas sa bansa habang umaabot naman sa P2.345 bilyong litro ang kailangan na nagpapakitang umabot lamang sa 0.6966% ang local production na hindi pa umabot sa 1% ng kabuuang pangangailangan ng gatas ng mga Filipino.

“The Commission on Audit (COA) Report released in January 2020, saying that the dairy program that cost P2.85 billion to implement appears to have achieved only “minimal improvement” in increasing the number of dairy animals In the Philippines,” ayon kay Villar.

Tumakbo ang Herd Build-Up Program sa loob ng anim na taon mula 2012 hanggang 2018 na may kabuuang 39,069 dairy animals pero pagkatapos ng programa umabot lamang ito sa  47,600 animals base sa huling pagbibilang nitong 2018 at kasama dito ang baka at kalabaw.

Layunin ng programa na itaas ang local supply contribution sa gatas ng 10% mula sa 1% nitong 2012.

Base sa natuklasan ng Commission on Audit, nabigo ang Dairy Road Map targets sanhi ng kawalan ng koordinasyon sa pangunahing ahensiya, walang well-defined roles at responsibilities para sa
stakeholders ng dairy industry, operational issues,  at maraming namamatay ang hayop o masyadong mataas ang mortalitiy rates.

Simula pa noong nakaraang taon, kumikilos na si Villar sa proyektong magtatayo ng Carabao-Based Enterprise Development Centers sa buong bansa matapos makausap ang isang ginang sa Ubay, Bohol, na nag-aalaga ng isang kalabaw saka ibinebenta ang gatas nito sa dairy processing center.

Sa ganitong pamamaraan, kumikita ang ginang ng P300 kada araw o aabot sa P9,000 kada buwan.

Gustong ibigay ni Villar ang katulad na oportunidad sa ibang mamamayan sa bansa at natukoy ang 28 lugar na puwede itong gawin kabilang ang Abra, La Union, Pangasinan, Ilocos Sur, Nueva Vizacaya, Bataan, Bulacan, Laguna, Tarlac, Palawan, Albay, Masbate, Negros Oriental, Iloilo, Cebu, Siquijor, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, Misamis Oriental, Bukidnon, Davao Oriental, Davao del Sur, Compostela Valley, North Cotabato, at South Cotabato. (ESTONG REYES)

70

Related posts

Leave a Comment