PAGLABAS NG 15-17-ANYOS AT 65-ANYOS PATAAS PARA LANG SA PHILSYS REGISTRATION

INANUNSYO ng Philippine Statistics Authority (PSA), noong Miyerkoles na ang mga kabataang may edad 15 hanggang 17 at mga lolo’t lola o senior citizens na may edad na 65 pataas ay maaari nang makalabas ng kanilang bahay para kumpletuhin ang kanilang Step 2 registration sa Philippine Identification System (PhilSys).

Ito’y matapos na magpalabas ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ng IATF-EID Resolution No. 114 na kinikilala ang PhilSys registration bilang isang mahalagang government service na pangsuporta sa vaccine deployment.

“The IATF allows individuals 15 to 17 years old, and above 65 years old to leave their residence for the purpose of proceeding to registration centers of the Philippine Statistics Authority (PSA) for the Philippine Identification System (PhilSys) Step 2 Registration,” ang nakasaad sa IATF-EID Resolution No. 114.

Kabilang sa Step 2 registration ang biometric information at validation ng dokumento ng registrants.

Pinapayuhan naman ng IATF-EID ang publiko na mahigpit na sundin ang health at safety protocols para protektahan ang kanilang mga sarili at ang mga registration staff habang nananatili sila sa registration centers.

Ang mga minor o menor de edad ay kailangan samahan ng kanilang magulang o guardian.

Samantala, nagbukas naman ang PSA ng mas maraming registration centers para sa Step 2 online appointment booking.

“As of 01 July 2021,” ang mga registrants ay maaaring mag-book ng kanilang appointment sa alinmang 415 registration centers sa 78 lalawigan sa buong bansa.

Samantala, sa ulat na ipinalabas ng National Economic and Development Authority (NEDA), araw ng Biyernes. mahigit sa 37.2 milyong Filipino ang nakapagrehistro na sa PhilSys.

Sinabi ng ahensiya na ang PSA ay “on track” para makamit ang 50 hanggang 70 milyong target registrations bago matapos ang taong 2021.

Ayon naman sa PSA, may 16.2 milyong indibidwal na ang nakakompleto ng kanilang Step 2 registration o biometrics capture habang 343,742 registrants naman ang nakatanggap na ng kanilang PhilID o national ID cards. (CHRISTIAN DALE)

188

Related posts

Leave a Comment