PAGPABOR NG PNP SA PAGBABA NG AGE OF DISCERNMENT IBABASE SA SCIENCE

BUKAS ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na suportahan ang panukalang ibaba ang age of discernment para sa mga menor de edad na nasasangkot sa anomang uri ng krimen sa bansa basta may scientific basis.

Ayon ito kay PNP chief Police Gen. Nicolas Torre III.

May ilang sektor ng Lipunan gaya ng simbahan, mga kasapi ng human right groups at ilang criminal and juvenile law experts ang sumasalungat sa nasabing panukala.

Ayon sa isang criminal justice expert, ang pagpapababa sa minimum age of criminal responsibility ay hindi daan para epektibong masupil ang kabataan na gumawa ng krimen. Hindi umano magiging hadlang ang nasabing panukala para maiiwas ang mga kabataan mula sa criminal behavior.

“There’s no deterrence factor, even if the criminal age of responsibility is law and punitive,” ayon sa eksperto at mas malalantad lamang umano ang mga bata sa ugaling kriminal kung mahahalo sila sa hardened criminals.

“This is one of our legislative agenda that we will give to our Congress so that we can have a voice if the law regarding juveniles is revised,” ayon kay Gen. Torre.

Sa ganito umanong paraan ay mabibigyan din ang PNP ng boses sa sandaling amyendahan ang batas.

Iminungkahi na pag-aralan kung ang kasalukuyang age limit sa batas ay napapanahon pa, dahil sa mas mataas na kamalayan ng mga kabataan dulot ng mas madaling pagkuha ng impormasyon.

(JESSE RUIZ)

121

Related posts

Leave a Comment