PAGPAPANAGOT SA MGA DATING OPISYALES NG GOBYERNO MISYON NG QUADCOM 2.0

PAPANAGUTIN ang mga opisyal ng gobyerno na nasangkot sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), Extra-judicial killings (EJK) at ilegal na droga noong nakaraang administrasyon ang misyon ng pagbuhay sa Quad Committee sa 20th Congress.

Bukod dito, iginiit ng isa sa tinaguriang Young Guns na si Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na kailangan ituloy ang nasimulang imbestigasyon noong nakaraang Kongreso upang marinig ang boses ng mga nais patahimikin ng pananakot at pulitika.

“We need Quad Comm 2.0 because the fight for truth is not yet over. The people deserve to know what was hidden, who was protected, and why justice has been delayed for so long. We owe them closure, not cover-ups,” ani Adiong.

Unang binuo ang Quad Comm noong 19th Congress na kinabibilangan ng 4 na komite tulad ng committees on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, at Public Accounts dahil sa pagdami ng krimen na may kaugnayan sa POGO, kalakalan ng iligal na droga, umano’y iligal na pagmamay-ari ng mga Chinese national ng lupa sa Pilipinas, EJKs na may kaugnayan sa war on drugs campaign ng administrasyong Duterte.

Nakapagsagawa ng 15 committee hearings ang Quad Comm kung saan nabunyag ang nakababahalang koneksyon sa pagitan ng mga sindikato, ahensya ng gobyerno, at mga kilalang personalidad subalit marami umanong naiwan na tanong na dapat balikan.

“We were pulling at the threads of something deeper—systemic abuse, orchestrated cover-ups, and a culture of fear that infected our institutions. But just as the truth began to surface, efforts to derail the process intensified. Investigations were stalled. Political noise took over. Witnesses disappeared. What was left was an unfinished mission,” paliwanag ni Adiong.

“This is not about vengeance. It’s about responsibility. We are not looking back to punish—we are looking back to prevent this from ever happening again,” dagdag pa ng mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)

18

Related posts

Leave a Comment