PAGPAPAREHISTRO NG ONLINE BUSINESS MULING PINALAWIG

INIURONG muli ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang deadline para sa business registration ng mga online selling business.

Sa inilabas na bagong Revenue Memorandum Circular ng ahensya, muling itinakda sa September 30, 2020 ang pagpaparehistro ng mga online business.

Nagbabala ang BIR sa online businessmen na sumunod sa registration/update requirements upang hindi sila pagmultahin ayon sa umiiral na revenue rules and regulations.

Sa ngayon ay abot na sa 5,650 online vendors ang nakapagparehistro para sa tax purposes mula June hanggang August, 2020.

97

Related posts

Leave a Comment