LOLOBO pa ang populasyon ng Pilipinas sa inaasahang mahigit dalawang milyong sanggol na isisilang sa susunod na taon.
Ang nasabing bilang ang itinuturing na pinakamataas sa kasaysayan ng bansa.
Ito ang inihayag ni Commission on Population and Development (POPCOM) Executive Director Doctor Juan Antonio Perez III sa isang panayam kaugnay ng pagdami ng mga nabubuntis ngayong may umiiral na community quarantine dahil sa pandemya.
Ayon kay Perez, ang dalawang milyong ipapanganak sa 2021 ay ang pinakamataas na sa buong skasaysayan sa Pilipinas.
Sa nasabing bilang ng manganganak, 10 porsyento umano ay teenage pregnancy.
Mayroon na ngayong 109,836,395 ang kabuuang populasyon sa bansa at sa pagsapit ng 2021 ay sisipa pa ang bilang na ito.
Sa kabila nito, sinabi ni Perez na pababa naman ang population growth rate ng bansa. (DAVE MEDINA)
83