PAGTATAYO NG MEDIA HUBS, KINUWESTYON

KINUWESTYON ni Senador Nancy Binay ang paglalaan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ng pondo para sa konstruksyon ng media hubs sa gitna ng pagbabawas ng pondo sa mga pagamutan.

“Sa gitna ng kakulangan ng kapasidad ng mga healthcare facilities natin dahil sa lumalalang kaso ng COVID-19 at budget cut sa maraming ospital, hindi tama na may mga ‘big-ticket’ construction projects para sa mga hindi naman pressing priority. We should be building hospitals, not media hubs,” saad ni Binay.

Pinagpapaliwanag ng senador ang PCOO sa kahalagahan ng Visayas Media Hub na plano nitong itayo sa gitna ng panlaban sa COVID-19 pandemic.

Humihingi ang ahensya ng P200 million sa kanilang Capital Outlay para sa konstruksyon ng media hub sa Mandaue, Cebu.

Noong Disyembre, inilunsad ng ahensya ang Mindanao Media Hub sa Davao City na ginastusan ng P340 million sa gusali at P408 million sa equipment.

Iginiit ni Binay na dapat ipagpaliban ang mga ganitong uri ng proyekto habang hindi pa tuluyang nakokontrol ang pandemya.

“While we do not dismiss the value of these hubs, we have increasingly diminishing resources which we should dedicate towards our fight against COVID-19. Our people’s lives and health should be given top priority right now over anything else,” giit ni Binay.

“Sana ang mga ganitong construction projects na hindi urgent, ibuhos na lang natin sa mga ospital na nabawasan pa ang alokasyon imbes na dapat dagdagan,” dagdag pa ng senadora.

Sa datos, 76 na pampublikong ospital ang apektado sa budget cut sa Department of Health.

Bukod dito, siyam pang government hospitals ang binawasan ng maintenance and operating expenses (MOOE) budgets. (DANG SAMSON-GARCIA)

196

Related posts

Leave a Comment