PANDEMIC EXIT STRATEGY I-EENDORSO NI ABALOS

NAKATAKDANG iendorso ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang pandemic exit strategy na nilikha ng grupo ng medical experts.

Sinabi ni dating presidential adviser at Go Negosyo founder Joey Concepcion na ie-endorso ni Abalos ang nasabing panukala na maaaring i-adopt ng gobyerno para tulungan ang bansa na nasa transition period tungo sa normalcy mula sa pandemya.

Sinang-ayunan aniya ni Abalos ang kahalagahan na itaas ang booster vaccination rates sa 70% sa eligible population na kabilang sa pandemic exit proposal.

“Kailangan ng isa pa. Isa pa para sa mga pamilya, isa pa para sa komunidad,” ayon kay Abalos.

Dahil dito, muling nanawagan si Concepcion na isulong ang “one more massive effort” para sa pagbabakuna.

“Complacency is really the problem. There is no sense of urgency because people don’t see what might happen if our wall of immunity starts to weaken,” ani Concepcion.

Ang paliwanag ni Concepcion, ang re-infections ay medyo posible at ang mga kaso ng matagal na Covid ay mayroong grave consequences sa productivity at sa ekonomiya.

Muli namang inulit ni Concepcion ang pahayag ni Abalos na “we need to convince people that they need boosters.”

Kamakailan ay nakipagkita si Abalos kay Concepcion at sa mga miyembro ng Advisory Council of Experts (ACE), grupo ng medical doctors, scientists at academics, bumubuo sa “foremost authorities” pagdating sa public health, molecular biology, disaster resilience, data insight and analysis, at economics.

Kumpiyansa si Abalos dahil ang panukala ay inisyatiba ng pribadong sektor at nagbibigay-diin sa kahalagahan na nakamit ang mataas na booster vaccination rates. (CHRISTIAN DALE)

145

Related posts

Leave a Comment