PANIBAGONG KRISIS SA GITNA NG PANDEMYA, PINANGANGAMBAHAN

NAGBABALA si Senador Kiko Pangilinan na magdulot pa ng panibagong krisis ang kasalukuyang COVID-19 pandemic kung mas maraming estudyante ang magiging dropouts.

“Ayaw nating manganak pa ng krisis ang pandemya kung magda-drop out ang marami.

Mas pangmatagalan ang impact nito,” saad ni Pangilinan.

Sinabi ni Pangilinan na kung marami ang mgda-dropout, mas maraming private school teachers ang mawawalan ng trabaho.

Kaugnay nito, hinikayat ng senador ang Department of Education (DepEd) na maglaan ng karagdagang financial aid at iba pang tulong sa mga estudyante at guro.

“Kaya hinihikayat natin ang DepEd na palawakin ang mga programang maaaring kailanganin ang serbisyo ng mga private school teachers,” diin ni Pangilinan.

Dapat anyang ikonsidera ng DepEd sa kanilang proposed budget para sa 2021 ang mga programa para sa online and blended learning upang mapanatili ang mga estudyante sa kanilang mga tahanan sa gitna ng health crisis.

Ang mga lokal na pamahalaan naman anya sa pamamagitan ng kanilang Special Education Fund at iba pang programa ay dapat na magbigay ng mas malawak na scholarship sa kanilang nasasakupan.

“Ang edukasyon ay para sa lahat. Pero dahil sa maraming nawalan ng trabaho, milyon na ang nag-d- drop out sa pag-aaral. Para makapag-aral pa ang mas marami ngayong pandemya, tulungan nating itawid ang mga mag-aaral at titser nating walang mga device na maaaring magamit para sa blended learning sa darating na pasukan,” diin ng senador.

Pinatitiyak din ni Pangilinan sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ang maayos na internet connection para sa distance learning. (DANG SAMSON-GARCIA)

173

Related posts

Leave a Comment