Paniningil sa oligarch HINDI HARASSMENT -DEFENSOR

ITINANGGI ni House committee on public account chairman Rep. Mike Defensor ng Anakalusugan party-list na isang uri ng panghaharas ang isinasagawang pagdinig sa obligasyon ng mga oligarch sa Power Sector Assets Liabilities Management (PSALM) na umaabot sa P95 Billion.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng komite ni Defensor kasama ang House committee on good government and public accountability, kinontra nito ang pahayag ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez na isang uri ng harassment ang pag-iimbestiga sa kaso na nasa korte na.

“With due respect to most able Congressman Rufus Rodriguez, we are not here to harass,” ani Defensor, bagkus ay tumutulong lang umano ang mga ito sa PSALM para makolekta ang mga atraso ng mga kumpanya sa power sector upang hindi ang taumbayan ang magdusa kalaunan.

Sa interpelasyon ni Rodriguez, mistulang tinukuran nito ang mga power industry player tulad ng South Premier Power Corp (SPPC) na hinahabol ng PSALM sa kanilang atraso na umaabot sa P23.9 Billion.

Sinabi ni Rodriguez na nasa korte ang kaso ng SPPC partikular na sa Mandaluyong Regional Trial Court kaya hindi na umano ito dapat iniimbestigahan ng Kapulungan at pinuri pa nito ang nasabing kumpanya dahil nag-alok ito na babayaran ang kanilang obligasyon sa PSALM na aabot sa P22 Billion hanggang 2022.

Ang nasabing halaga ay bukod sa P23.9 Billion na pending sa Mandaluyong RTC na itinatanggi ng SPPC na kanilang utang sa PSALM.

“Again with due respect to our guest particulary SPPC, do not think that this (imbestigasyon) is a witch hunt. We would like to know the facts, we would like to know the issue and of course, we would like to collect on behalf of the government,” ani Defensor. BERNARD TAGUINOD

133

Related posts

Leave a Comment