PANLALAPASTANGAN NG CHINA, TULDUKAN NA!

POINT OF VIEW

NakapanluLUmo at nakakagalit ang harap-harapan nang panlalapastangan at pambubusabos sa ating mga Filipino ng China na nagsasabing kaibigan nito ang Pilipinas.

Kung talagang kaibigan, bakit ganito ang kanilang ginawa?

Tungkol ito sa huling kaganapan sa West Philippine Sea kung saan tila sinadyang banggain at pi-nalubog ng Chinese vessel ang barkong pangisda ng mga Filipino na M/V GEMVIR1 at pinabayaan ang 22 crew at hindi tinulungan para mailigtas.

Ito ay nangyari noong June 9 ng hating gabi sa Reed Bank o kilala rin sa tawag na Recto Bank sa West Philippine Sea. Ang Recto Bank ay sakop ng Philippine exclusive economic zone batay sa 2016 ruling ng international tribunal sa The Hague, Netherlands.

Sa inasta ng opisyal at crew ng Chinese vessel na ito ay talagang hindi makatao, barbaric, at para silang hayop na walang damdamin sa kapwa nila tao.

Nakakapagtaka, kung bakit tayong mga Filipino ang laging binibiktima ng China sa kanilang pam-bu-bully sa mga bansang umaangkin sa West Philippine Sea.

Isa pa sa nakalulungkot para sa panig ng mga Filipino, mag-iisang linggo na itong nangyari, subalit wala pa tayong naririnig na opisyal na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa isyu lalo’t may kaugnayan ito sa usaping soberanya, kaligtasan, at karapatan ng mga mamayang Filipino.

Oo nga, nagpahayag na ng pagkondena, pagbatikos, pagharap ng diplomatic protest at nagbanta na puputulin ang diplomatic ties laban sa China ang ating mga kinauukulang opisyal su-balit iba talaga kung ang Pangulo mismo ang magsasabi nito para maramdaman ng ibang bansa na kaya nitong proteksyunan, alagaan at ipaglaban ang kanyang mga mamamayan sakaling maharap sila sa ganitong pambu-bully, at pang-aapi ng mga dayuhan.

Sana hindi manaig ang personal na interes ng mga opisyal ng gobyerno sa pagharap sa problemang ito na tila inaapak-apakan na tayo sa loob mismo ng ating bansa. Hindi natin kailangang makipagdigma, kailangan nating idaan ito sa diplomatic persuasion. (Point of View / NEOLITA R. DE LEON)

176

Related posts

Leave a Comment