PAPEL NG PITC SA PAGBILI NG COVID VACCINE TINUTULAN

AYAW pumayag ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na ibigay sa Philippine International Trading Corporation (PITC) ang karapatan bumili ng bakuna laban sa corona virus 2019 (COVID-19) na pawang prepaid items sa international market.

Sa pahayag, sinabi ni Recto na tama ang kautusan ni Pangulong Duterte na kailangan magbayad muna ang pamahalaan upang makabili ng bakuna.

Aniya, hindi COD goods ang bakuna na puwedeng umorder sa online shop. “Hindi ito postpaid items kundi prepaid.”

Higit pa rito, tila may karera aniya sa mga nasyon na nag-uunahan makabili at naipangako na ang unang batch sa mayayamang bansa na nagbayad ng kanilang development.

“There is even an Amazing Race-kind of hunt among nations for vaccines. Officials of some of our ASEAN neighbors were reported to have jetted all over the world to scour for and secure supply contracts,” aniya.

Sinabi ni Recto na umaasa ang Senado na matutuloy ang supply deal sa AstraZeneca dahil tumugma ang kanilang bakuna sa ating bulsa (na iniulat na pinakamura sa halagang $10 kada tao) at sa ating lagay ng panahon (na puwedeng ilagay sa ordinaryong refrigerator sa bahay). (ERNIE REYES)

151

Related posts

Leave a Comment