ISINUSULONG ni Senador Win Gatchalian ang empowerment o pagpapalawig sa kapangyarihan at papel ng mga punong guro sa bawat paaralan.
Ito ay upang mas maging epektibo ang pagtugon sa krisis sa edukasyon sa bansa.
Ayon kay Gatchalian na chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, tatalakayin ito sa panukalang muling pagkakaroon ng Congressional Oversight Committee on Education (EDCOM).
Paliwanag ng senador, nais niyang masuri kung paano maaaring palawigin ang awtoridad ng mga punong guro upang maging mas flexible sila sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral.
Ayon sa Philippines Public Education Expenditure Tracking and Quantitative Service Delivery Study (PETS-QSDS) na inilabas ng World Bank at Australian Aid noong 2016, nakikitang mas mahusay ang mga mag-aaral sa mga paaralang pinatatakbo nang maayos. (ESTONG REYES)
275 