Para sa COVID-19 vaccination REGISTRATION NG EDAD 12-17 BINUKSAN SA MAYNILA

BINUKSAN na ng Manila City Government ang pagpaparehistro sa edad 12 hanggang 17 matapos pahintulutang mapabakunahan laban sa COVID-19.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, aprubado na ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagbabakuna ng Pfizer at Moderna para sa mga kabataan.

“We have to be prepared for this eventuality and I have also discussed with Vice Mayor Honey Lacuna and Manila Health Department chief Dr. Arnold Pangan the system that would put in place,” pahayag ng alkalde.

Paglilinaw ni Moreno, ito ay para sa registration lamang habang hinihintay nila ang go signal mula sa national government kung pwede nang bakunahan ang mga kabataan.

Upang mairehistro ang mga menor de edad, maaari umanong magtungo sa Manila COVID-19 vaccine website na www.manilacovid19vaccine.ph.

Pagkatapos nito, hihintayin na lamang ang anunsiyo ng local government kung puwede nang simulan ang pagbabakuna sa kanila. (RENE CRISOSTOMO)

124

Related posts

Leave a Comment