PARAK PATAY SA TANDEM

LAGUNA – Napatay ng riding in tandem ang nakamotorsiklong pulis sa Cabuyao City sa lalawigang ito, habang papasok sa kanyang trabaho nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ni Cabuyao City Police chief, Lt. Col. Gilmore Wasin ang biktimang si P/SSgt. Christian Ramos ng Sitio Laguarta, Poblacion 1, Calaca, Batangas.

Ayon sa ulat, pinagbabaril ng suspek na lulan din ng motorsiklo, ang biktima bandang alas-8:40 ng umaga habang binabagtas ang Yulo Road, Brgy. Pittland.

Napag-alamanan, nakatalaga si Ramos sa Regional Police Holding and Accounting Unit sa Camp Vicente Lim sa Canlubang, Calamba City.

Napag-alaman, dating nag-AWOL ang biktima ngunit nakabalik na sa serbisyo.

Natagpuan sa crime scene ng mga awtoridad ang anim na basyo ng bala ng cal. 9mm at tatlong basyo ng bala ng .45 kalibreng baril. (CYRLL QUILO)

191

Related posts

Leave a Comment