Pasaring ni Senator Binay NAKAKABILI BA NG PALABRA DE HONOR?

MISTULANG pinaringgan ni Senador Nancy Binay si House Speaker Alan Peter Cayetano kaugnay sa paninindigang manatili bilang lider ng Kamara.

Sa kanyang Twitter, nag-post si Binay ng video clip ng lumang komersyal na nagbibigay kahalagahan sa “word of honor”.

“San kaya pwede mag order ng Palabra De Honor? Parang ok sya pamigay sa Pasko,” pasaring ni Binay.

Naging mainit ang terminong “word of honor” kaugnay sa agawan sa speakership sa kabila ng naging gentleman’s agreement nina Cayetano at Marinduque Representative Lord Allan Velasco.

Ilang ulit na binanggit ni Velasco ang “palabra de honor” upang bigyang-diin kay Cayetano ang kanilang kasunduan.

Alinsunod sa kasunduan, manunungkulan si Cayetano bilang House Speaker sa unang 15 buwan ng 18th Congress at papalit na si Velasco. (DANG SAMSON-GARCIA)

125

Related posts

Leave a Comment