TUMAAS ang puntos ng mayoralty candidate sa Pasig na si Sara Discaya sa katatapos na Pulso ng Lipunan Survey.
Batay sa survey, 2 percent na lang ang kalamangan ni incumbent Mayor Vico Sotto kay Discaya.
Ginawa ang independent survey, noong February 2025, kung saan lumahok ang 3,000 respondents mula sa mahigit kalahati ng mga barangay sa Pasig City.
Batay sa survey, 46% ng mga respondent ang nagsabing iboboto nila si Mayor Sotto sa darating na eleksyon habang 44% ang nagsabing si Discaya ang kanilang iboboto. Mayroon namang 3% ng respondents ang naghahanap pa ng ibang kandidato na maaari nilang masuportahan. At 7% ang undecided pa.
Ang “Pulso ng Lipunan” survey ay gumamit ng targeted questions at tinanong nang direkta ang respondents kung “Sino ang Kanilang iboboto sa eleksyon”.
Ang pagtaas ng suporta kay Discaya ay nagpataas din ng tsansa sa kanyang pagsabak sa mayoralty race sa Pasig City.
Malinaw rin umano na inaaral nang mabuti ng mga residente sa Pasig ang pagpili ng magiging bago nilang alkalde at partikular na inaalam kung sino ang makatutulong sa kanilang mga pangangailangan.
Sa kabila kasi ng pagiging isa sa pinakamayamang lungsod sa Metro Manila, mistulang napag-iwanan ang Pasig City kung ang pag-uusapan ay ang effective governance.
