SERVICE CONTRACTING LUMARGA SA EDSA BUS CAROUSEL

PINANGUNAHAN ni LTFRB Chairman Vigor D. Mendoza II ang kick-off ng Service Contracting Program sa EDSA Bus Carousel, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang tuloy-tuloy na serbisyo sa transportasyon.

Sa ilalim ng gabay ni DOTr Secretary Giovanni “Banoy” Lopez, nagsimula ang mas mahigpit na monitoring at real-time adjustments para sa mga biyahe, lalo na sa rush hour.

“Umpisa pa lang ito,” ani Mendoza. “Mas palalawakin pa natin ito sa iba’t ibang urban areas.”

Sa inspeksyon sa GMA-Kamuning station, pinaalalahanan ang mga driver sa mandatory six trips kada araw sa ilalim ng programa.

May dagdag-benepisyo rin sa commuters kabilang ang 20% diskwento sa pamasahe buong araw, bukod pa sa regular na diskwento para sa senior citizens, PWDs, at estudyante.

Sakop ng programa ang EDSA Carousel, city buses, UV Express, at ilang jeepney routes, lalo na sa oras ng rush: 5:00 AM – 10:00 AM at 4:00 PM – 9:00 PM.

Bukas na rin ang online application para sa mga operator na nais sumali sa service contracting.

(PAOLO SANTOS)

101

Related posts

Leave a Comment