PATAY KAY ST UWAN 33; 253 KAY TS TINO

UMAKYAT na sa 33 ang bilang ng mga nasawi dahil sa Super Typhoon Uwan matapos na hagupitin nito ang Central at Northern Luzon.

Habang nasa 253 naman ang death toll ng Tropical Storm Tino bukod pa sa 119 indibidwal na iniulat na nawawala at 502 ang nasaktan.

Samantala, 51 namang ang bilang ng injured persons at isa ang nawawala bunsod ng pananalasa ng Super Typhoon Uwan sa bansa, na nakaapekto sa mahigit pitong milyong indibidwal at marami sa mga ito ang nasa evacuation centers pa rin.

Sa latest report nitong Miyerkoles, Nobyembre 19, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), isa pa lamang sa 33 reported fatalities ang nakumpirma.

Nagpapatuloy naman ang validation sa 20 iniulat na nasawi sa Cordillera Administrative Region (CAR), pito sa Region 5 (Bicol Region), tatlo sa Region 3 (Central Luzon), at tig-iisa sa Region 6 (Western Visayas) at 8 (Eastern Visayas).

Nauna nang iniulat ng NDRRMC ang reported death toll sa 28.

Ayon pa sa ahensya, umabot sa 7,539,110 ang apektadong indibidwal o 2,139,837 pamilya mula sa 14,854 barangay sa 16 rehiyon sa buong bansa.

(JESSE RUIZ)

97

Related posts

Leave a Comment