PBBM: KONTRATISTANG MAAYOS ANG TRABAHO BAYARAN AGAD

IPINAG-UTOS ni Pangulong Marcos ang agarang pagbabayad sa mga kontratistang maayos at tama ang pagtupad sa kanilang mga kontrata.

Ayon kay Castro, buo ang paninindigan ng Pangulo na kailangang paandarin ang ekonomiya kasabay ng pagpapanagot sa mga abusado sa pondo ng bayan.

Sa pulong ng Pangulo at ng economic team, hinikayat ang Gabinete na mag-move forward at tiyaking mabilis at de-kalidad ang pagpapatupad ng mga infrastructure projects.

Dagdag pa ni Castro, mahalaga ang maayos na ugnayan ng national at local governments upang masubaybayan ang progreso ng mga proyekto.

Bilang bahagi ng direktiba ng Pangulo, pinaigting na rin ng Department of Agriculture ang monitoring sa mga farm-to-market road projects upang maramdaman ng mga magsasaka at

mangingisda ang benepisyo ng mas mababang production cost.

(CHRISTIAN DALE)

3

Related posts

Leave a Comment