Hindi makikipagplastikan para sa Senate leadership CAYETANO: LAHAT NANGANGAMPANYA PARA SA MAYORYA

HINDI na makikipagplastikan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa usapin ng Senate leadership, iginiit na malinaw ang kanilang posisyon—gusto nilang maging mayorya, pero kulang pa sa bilang para makuha ang liderato ng Senado.

Ayon kay Cayetano, hindi na bago ang isyung ito at nananatiling haka-haka lamang ang lahat hangga’t walang 13 boto na kailangan upang palitan ang kasalukuyang pamunuan.

“We’re in the minority. So of course, we want to be in the majority. That was never a secret,” ani Cayetano.

Aminado rin ang senador na sa ngayon, parang mas nangingibabaw ang pangangampanya kaysa aktwal na pamamahala, at marami umanong isyung inilulutang na hindi naman tumatama sa tunay na pangangailangan ng bansa.

Binigyang-diin ni Cayetano na normal lang na may mga senador na masaya o hindi kontento sa kasalukuyang liderato, at natural din ang konsultasyon at pag-uusap sa pagitan ng mga miyembro ng mayorya at minorya.

Ipinaalala rin niya na ang kasalukuyang liderato ng Senado ay pawang nagmula rin sa dating minorya, at nabigyan ng pagkakataong mamuno.

“Sila, they were in the minority, they got it from the majority. When they got there, everyone was happy giving them a try. They have their victories, they have their faults,” dagdag pa ni Cayetano.

Giit ng senador, hangga’t walang sapat na bilang, mananatili lamang na usapan at espekulasyon ang anomang tangkang pagbabago sa liderato ng Senado.

5

Related posts

Leave a Comment