PDU30 HINIKAYAT ANG PUBLIKO NA MAG-D0NATE NG DUGO

HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) survivors na mag-donate ng dugo bilang “an act of gratitude to God”.

“‘Yung mga nakalabas na sa lahat, mag-mabuting loob kayo, and I think kung ako, I should volunteer. That is the way of thanking God that that you have survived,” ayon kay Pangulong Duterte.

Inulit lamang ng Chief Executive ang naging apela ng Philippine General Hospital (PGH) para sa blood donation.

Ang PGH ang kauna-unahang ospital sa bansa na magtatangka ng convalescent plasma transfusion.

Napaulat na ang plasma transfusion ang ginamit ng Wuhan City, China para pagalingin ang mga pasyenteng may malalang kondisyon dahil sa ang dugo ay naglalaman ng antibodies laban sa virus.

Ani Pangulong Duterte, ang solusyon sa virus ay vaccine o pagbabakuna.

Subalit, sa ngayon na hindi pa ito available ay hinikayat muna ng Pangulo ang publiko na makipag-cooperate at tulungan ang isa’t isa. CHRISTIAN DALE

257

Related posts

Leave a Comment