SI outgoing President Rodrigo Roa Duterte ang itinuturing na “most popular President” ng post-EDSA 1 era.
Sa PUBLiCUS’ PAHAYAG Second Quarter survey na isinagawa mula Hunyo 16 hanggang 22, makikita sa resulta na 75% ang approval rating na nakuha ni Pangulong Duterte para sa performance nito sa loob ng 6 na taong termino nito.
May 1,500 ang respondents sa naturang survey.
Ayon kay Atty. Aureli Sinsuat, executive director ng PUBLiCUS Asia, Inc. dahil sa resulta ng naturang survey, si Pangulong Duterte ay naging pinaka-popular na outgoing President mula post-EDSA 1 era.
Samantala, 75% rin sa survey ang nagsasabi na may malaking impact sa bansa ang Duterte administration kumpara sa nakalipas na mga administrasyon pagkatapos ng EDSA I. (CHRISTIAN DALE)
