PDU30 PUPULUNGIN ANG IATF

KINUMPIRMA ni Presidential spokesperson Harry Roque na nagpatawag ng special meeting si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kasama ang maliit na bilang na miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF).

“I confirm that PRRD called a special meeting of the small IATF tomorrow @6pm (ngayong Sabado),” ayon kay Sec. Roque.

Napaulat na kokonsultahin ni Pangulong Duterte ang mga eksperto kung isasara ang borders ng Pilipinas sa gitna ng tumataas na kaso ng Delta coronavirus variant.

Sinabi ng chief executive, ang gobyerno ay maaaring magpatupad ng “more stringent measures” kumpara sa umiiral na protocols, subalit nais muna nitong marinig ang mga input ng medical experts bago pa gumawa ng “drastic decision.”

Inamin ng chief executive na ang pangunahin niyang concerned ay ang ulat kung paano ang “highly contagious Delta variant” ay nakaaapekto sa ibang bansa gaya ng Australia at Indonesia.

Nag-aalala rin ang pangulo ukol sa epekto ng mas agresibo at “virulent mutation”, sabay sabing hindi na kakayanin pa ng Pilipinas ang panibagong wave ng infection. (CHRISTIAN DALE)

128

Related posts

Leave a Comment