PABOR si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na taasan o dagdagan ang operasyon ng mga casino at Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa para makalikom ng pondo ang gobyerno.
“That …I am in favor of casinos, POGOs is correct. That is true. I do not deny it,” ayon kay Pangulong Duterte sa isinagawang PDP-Laban meeting.
“Pagdating ng pandemic, naubos pera natin. It might be repulsive, repellant, pero dusa na muna kayo, kailangan ko ng pera para sa bayan,” ayon pa rin sa chief executive.
Iyon nga lamang, kailangan na sumunod sa batas ng mga negosyo.
“POGO…casino sa Boracay, Bohol…you must pay correct taxes,” paalala ng pangulo.
“Times are not really conducive to being a moralist now. We just have to be pragmatic. Kung ano lang talaga ang mapagkitaan kasi hirap tayo,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte. (CHRISTIAN DALE)
189 