(Ni FRANCIS SORIANO)
NAIBSAN ang pangamba ng mga apektado ng El Nino matapos makaranas ng mga pag-ulan sa mga lugar na lubhang tag-tuyot noong nakaraang linggo , ayon sa Department of Agriculture (DA)
Sinabi ni Agriculture Secretary Manny PiΓ±ol na hindi na umano gaanong malala ang epekto ng El NiΓ±o sa pananim ng mga magsasaka kung ikukumpara sa mga unang araw na naranasan ang nasabing tagtuyot.
Batid din umano ng ahensiya ang hirap na pinagdaraanan ng mga magsasaka kayaβt tuluy-tuloy ang pamamahagi ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ng tulong-pinansiyal sa mga magsasakang naapektuhan ng El NiΓ±o upang sa gayon ay maibsan ang pagkalugi sa nasirang mga produkto.
Pumalo na sa higit P5-bilyong pinsala sa agrikultura, lalo na sa pananim na palay at mais sa buong bansa.
654 