SINABI ni Presidential spokesperson Harry Roque na may pag-uusap pang ginagawa ang Inter-Agency Task Force (IATF) ukol sa kung isasama sa priority list na mabakunahan laban sa covid ang mga tinaguriang may comorbidities gaya ng mga diabetic at may heart condition.
Ayon kay Sec. Roque, may kani-kanyang tindig ang mga nasa IATF patungkol sa usapin na hanggang ngayo’y hindi pa napagdedesisyunan at patuloy pa ring pinag- uusapan.
Kung siya lamang aniya ang tatanungin ay pabor siyang maisama na sa priority list ang mga may comorbidities ngunit kailangan pa rin pag-usapan ito at may mabuong concensus.
Aniya, ibang usapan naman ang mga nabibilang sa senior citizen na bagamat hindi lahat ay masasabing malusog ay puwede na aniyang unahin. (CHRISTIAN DALE)
103
