NAGBABALAK ang pamahalaan na dagdagan ang volume o dami ng importasyon ng karneng baboy para matiyak ang supply nito sa bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, tinitingnan ng gobyerno ang posibilidad na itaas ang minimum access volume (MAV) para sa karneng baboy makaraan makaranas ang maraming rehiyoń sa bansa ng insidente ng African Swine Flu (ASF).
Sa kasalukuyan ay nasa 54,000 metric tons ang minimum access volume na pinapayagan ng gobyerno sa pamamagitan ng DA.
Sa tala ng Agriculture Department, 11 sa 17 rehiyon sa bansa ang nag-ulat ng ASF na nakaaapekto na sa 2,130 mga barangay.
Isa ang pinsalang dulot ng ASF sa mga alagang lokal na hayop kaya nagkaroon ng pagsipa ng presyo ng karneng baboy.
“Pinag-aaralan na namin yung dagdagan itong minimum access volume to triple what is allowed,” Sabi ni Sec. Dar sa Laging Handa briefing. (DAVE MEDINA)
