PILIPINAS BIBILI NG 2 BARKONG PANDIGMA

DALAWANG barkong pandigma mula sa bansang South Korea ang nakatakdang bilhin ng pamahalaan sa ilalim ng P28-bilyong halaga ng kontratang nilagdaan ng Department of National Defense.

Ayon mismo kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, malaking bentahe para sa Pilipinas ang pagbili ng dalawang missile-capable corvettes na gawa ng Hyundai Heavy Industries (HHI).

Bukod sa mga nasabing barko, nakatakda na rin ang paglagda ng pamahalaan ng kontrata sa PZL Mielec ng Poland at Austal ng Australia para naman sa 32 units din ng Black Hawk helicopters at anim na offshore patrol vessels (OPVs) sa pagpasok ng Enero 2022.

Sa isang online conference, nilagdaan ni Loenzana ang kontrata kasama ang isang Ka Sam Hyun na tumatayong kinatawan ng HHI, at sinaksihan ng iba pang mga opisyal ng kanyang pinamumunuang departamento.

“This project will give the Philippine Navy two modern corvettes that are capable of anti-ship, anti-submarine, and anti-air warfare missions,” saad ng Kalihim sa kanyang talumpati, makaraang lagdaan ang kasunduan.

Giit pa ni Lorenzana, malaking bentahe ang mga naturang barkong pandigmang ayon sa kanya ay magbibigay ng kanyang tinawag na “commonality and interoperability” katuwang ang iba pang gamit pandigmang binili din ng pamahalaan mula sa naturang kumpanya. Kabilang sa mga naunang binili ng Pilipinas sa HHI ang dalawang Jose Rizal-class frigates.

“They will serve as backstop to the frigates. With a common shipbuilder, we expect ease of maintenance and repairs,” dagdag pa niya.

Sa ilalim ng kasunduan, magkabukod na dadalhin ng HHI ang mga barko at mga missles na kalakip ng mga naturang barkong pandigma. (JESS KABEL)

293

Related posts

Leave a Comment