PILIPINAS DAPAT MAGSIMULA NA RIN NG SARILING OIL EXPLORATION SA WEST PHILIPPINE SEA

NAGLATAG ng ilang posibleng solusyon si Senator-elect Robin Padilla laban sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa press briefing sa Senado, sinabi ni Padilla na maraming maaaring gawin ang gobyerno at isa na rito ang pagsisimula ng sariling exploration sa West Philippine Sea.

“Nalungkot lamang po ako noong nabalitaan ko na yung inaalok natin na joint exploration sa China, para mag-mosquito na rin tayo, ibig sabihin bumutas na rin tayo sa West Philippine Sea. Kasi proven na rin po ‘yan na meron talagang langis at gas doon sana tinatanong ko rin po yung legislative ko, sinasabi ko sa kanila ano pwedeng paraan para mabigyan natin ng kapangyarihan sinuman kasi ang pumipigil daw dyan yung 60-40 na hatian, ang gusto raw po nila 50-50,” pahayag ni Padilla.

Nais ding isulong ni Padilla ang pagkakaroon ng pambansang gasolinahan upang matulungan ang publiko na makakuha ng mas mababang halaga ng produktong petrolyo.

Tiwala naman si Padilla na malulusutan din ng bansa ang problema sa langis. (DANG SAMSON-GARCIA)

316

Related posts

Leave a Comment