PILIPINAS ‘REPUBLIC OF MARITES’ – PDU30

TINAWAG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Pilipinas bilang “Republic of Marites.”

Sa kanyang Talk to The People nitong Huwebes, nagbiro ang Pangulo na lahat ng tao ngayon ay may chismis na, mapababae o lalaki.

Kaya maituturing na aniyang ‘Republic of Marites’ ang bansa.

Ang Marites kasi ngayon ay tawag sa mga chismosa o mula sa salitang “Mare, ano ang latest o Mare, ano na ang chismis.”

Samantala, sa nasabing pagkakataon ay nagpahayag ang Pangulo na nais niyang makapatay ng 3 o 5 drug lords bago siya tuluyang bumaba sa pwesto sa Hunyo a-30.

Kilala ang pangulo sa kanyang drug war kung saan makailang beses na nitong sinabi na galit siya sa droga dahil sinisira nito ang bansa.

Una nang umapela ang punong ehekutibo sa susunod na administrasyon na ipagpatuloy ang kanyang nasimulang drug war dahil hindi aniya biro ang kalakaran ng ilegal na droga sa bansa. (CHRISTIAN DALE)

179

Related posts

Leave a Comment