PILOT TESTING SA ‘WALANG GUTOM PROGRAM’ SINIMULAN SA TONDO

MAKABIBILI na ng halagang P20 kada kilo ng bigas ang mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinimulan ang pilot testing ng programa sa Morsac Basketball Court, Barangay 69 sa Tondo, Manila kung saan bawat benepisyaryo ay makabibili ng hanggang 30 kilo ng bigas mula sa accredited retailers at Kadiwa ng Pangulo.

Katuwang ng DSWD ang DA sa pagsasagawa ng pilot-testing na hindi lamang ikinasa sa Tondo kundi maging sa Cebu City at CARAGA.

Sinabi ni DSWD Sec Rex Gatchalian, 900 ang retailer ng WGP kaya’t hinay-hinay muna sa pagbebenta ng murang bigas para matiyak na maayos ang sistema bago ito ilulunsad para mapakinabangan ng nasa 300-libong pamilyang benepisaryo

Kung magiging maayos ang programa ayon kay Gatchalian, mapakikinabangan din ito ng iba pang tukoy na food-poor na pamilyang Pilipino.

Sa ilalim ng programa, makabibili ng hanggang 20 kilo ng bigas ang mga benepisyaryo.

Malaking tulong din aniya ito na kahit paano ay makabili ng masustansiya at sapat na pagkain ang mga benepisyaryo para sa kanilang pamilya.

Target ng DSWD na maitaas sa 750-libong pamilyang food-poor o kapos sa pagkain ang benepisaryo ng Walang Gutom Program pagsapit ng 2026.

Nabatid na target ng DSWD na maitaas sa 750,000 ang bilang ng pamilyang kapos sa pagkain na benepisaryo ng Walang Gutom Program pagsapit ng 2026, katuwang nila ang Department of Agriculture sa pagsasagawa ng pilot-testing ng pagbebenta ng murang bigas.

(JOCELYN DOMENDEN)

19

Related posts

Leave a Comment