BIGO ang tangkang pagpupuslit ng halagang P31.6 milyong halaga ng agarwood palabas ng Pilipinas nang masabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang nasabing kargamento.
Ayon sa ulat, nasabat ang outbound cargo na naglalaman ng rare and highly valued agarwood na tinatayang aabot sa P31,650,000 ang halaga, sa isang warehouse sa Pasay City.
Sa ulat na ibinahagi ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, ang nasabing shipment ay idineklarang “Mahogany Wood Hand Carving Design” at pakete ng “Dried Sibukaw Woodstock.”
Subalit nang sumailalim sa masusing physical examination, nadiskubre ng nakatalagang Inspecting officers na naglalaman ito ng agarwood—isa sa pinakamahal at hinahanap-hanap na uri ng kahoy sa buong mundo na ginagamit sa paggawa ng pabango, traditional medicine, at iba pang luxury products.
Ang nasabing tangkang pagpupuslit palabas ng bansa ay tahasang paglabag sa sa mga umiiral na environmental and customs regulations, kabilang ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), Presidential Decree No. 705 or the Forestry Reform Code of the Philippines, and Republic Act No. 9147 or the Wildlife Resources Conservation and Protection Act, which govern the trade and export of endangered species.
Ayon kay Nepomuceno, ang ikinasang operasyon ay isinagawa sa pakikipagtulungan sa Environmental Protection Compliance Division (EPCD) na nasa ilalim ng BOC Enforcement Group. Agad namang ibingay sa pangangalaga ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nasabat na kontrabando para sa proper handling and disposition.
“Protecting the country’s biodiversity is a shared responsibility, and the Bureau of Customs will remain vigilant against any attempt to exploit our natural resources,” pahayag pa ni BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno.
(JESSE KABEL RUIZ)
246 