NAITALA ang pinakamataas na temperatura sa Metro Manila ngayong araw sa 36.5 degrees Celsius.
Dakong alas-3:45 ng hapon nang pumalo sa nasabing temperatura sa Science Garden, Quezon City.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nasa 41 degrees Celsius ang tinatawag na heat index o ang alinsangang naramdaman ng tao.
Samantala, nakapagtala naman ang istasyon ng PAGASA sa Dagupan, Pangasinan at Sangley Point sa Cavite ng 50 degrees Celsius na heat index dakong alas-dos ng hapon.
Nasa 48 degrees Celsius naman ang heat index sa Tanauan City habang 46 degrees Celsius sa Munoz, Nueva Ecija at Tuguegarao, Cagayan.
Kasabay nito, nagbabala ang PAGASA sa panganib na dulot ng alinsangan na nasa pagitan ng 41 hanggang 54 degrees Celsius.
“Posible ang heat cramps at heat exhaustion na maaariing mauwi sa heat stroke kapag tuluy-tuloy ang physical activity,” ayon sa PAGASA. JEFF TUMBADO
218
