Pinalagan ng mga konsehal GRAB MAY ILLEGAL OPERATION SA LIPA CITY?

BINATIKOS ng mga konsehal ng Lipa City ang Grab Philippines sa illegal umanong pag-o-operate nito ng Grab Bike sa siyudad.

Sa sesyon ng Sangguniang Panlungsod noong ika-4 ng Disyembre, tinalakay ng mga konsehal ang ginagawang ilegal na operasyon ng Grab Bike sa siyudad.

Kailangan munang aprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang permit ng Grab Bike bago ito makapag-operate sa isang lungsod.

Napag-alaman sa sesyon na maituturing na “kolorum” ang Grab Bike dahil wala itong pahintulot mula sa konseho ng Lipa City.

Ipinatawag na ng Lipa City Council ang Grab Philippines para magpaliwanag kung bakit sila nag-o-operate kahit walang pahintulot ng konseho.

“Kailan nagsimula ang operasyon ng Grab Bike at kung saan ang tanggapan nito sa lungsod. Mahalagang malaman ang mga detalyeng ito dahil nag-o-operate na sila sa ating lugar,” wika ng isang konsehal.

Kapag napatunayan, maaaring pagmultahin ng konseho ang Grab at huwag nang payagan pang makabiyahe sa lugar.

Ilang beses nang pinagmulta ng Philippine Competition Commission ang Grab dahil sa mga paglabag nito sa kasunduan ng kanilang merger sa Uber noong 2018.

Kamakailan lang, sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na iniimbestigahan nila ang Grab sa sobra-sobrang surge pricing at kanselasyon, lalo na ngayong kapaskuhan.

172

Related posts

Leave a Comment