HINDI malayong kapusin ang Pilipinas sa suplay ng COVID-19 vaccine sa first at second quarter ng taon dahil karamihan sa western vaccines ay ginagamit ng Europa at United States.
Gayunman, kumpiyansa si Vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na ang Pilipinas ay may sapat na suplay ng bakuna ngayong taon para maisakatuparan ang vaccination program.
“Sa first quarter, second quarter, magkakahirapan pa rin po tayo dahil kasi ‘yong karamihan ng mga western vaccines ay ginagamit po ng mga tiga Europe at America,” ayon kay Galvez.
“Kung titingnan po natin ‘yong supply and demand sa 2021, may possibility po na ‘yong ating vaccination program ay makakaya po natin sa 2021,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, mistulang nagsanib-puwersa sina Presidential spokesperson Harry Roque at Galvez para soplahin si dating NTF Adviser Dr. Tony Leachon makaraang sabihin nito na naniniwala siyang dapat nang i-abolish ang Inter-Agency Task Force (IATF) dahil umano sa ilang desisyon nito na walang scientific basis.
“Ang tanong ko ke Dr. Tony Leachon, sir the president has addressed your views. You’re sourgraping because he did not appoint you as secreatry of health. Pasensyahan na lang po,” ayon kay Sec. Roque.
“Ang advice ko lang kay Dr. Leachon, hindi mo pinagbuti ang trabaho mo sa IATF at ang nakita natin meron kang ulterior motive aside from serving our people kaya tinanggal ho namin kayo. ‘Yun pa lang nakita natin na si Dr. Leachon wala talagang word of honor yan, talagang mahirap makasama,” ang pahayag naman ni Galvez.
Sa isang panayam kasi kay Leachon ay sinabi nito na natatawa siya na mare-reject na naman ang rekomendasyon ng IATF na buksan na ang mga traditional cinema sa bansa.
“Dapat siguro, wala nang IATF kasi lagi namang nabi-veto eh. At mas matatalino pa nga iyong mga netizens natin eh. Praktikal silang mag-isip eh. So, sa atin lang naman na comment iyon. I think, it’s about time na i-revisit natin kung ano ang role ng IATF. It has become a battle neck area for decisions not based on science. and at the end of the day, we should delegate it to the Metro Manila mayors in terms of the implementation kasi mas nakakaalam sila on the pulse of the nation eh,” ayon kay Leachon. (CHRISTIAN DALE)
131 