PINAS MAY 137M DOSES NG BAKUNA SA 2022

TINATAYANG aabot sa 137 million doses ng COVID-19 vaccines ang na-secure ng pamahalaan para sa susunod na taon.

Sinabi ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Miyerkoles ng gabi na manggagaling ito sa iba’t ibang brands ng bakuna na nagbigay na ng commitment ng suplay sa bansa.

Sa susunod na buwan naman inaasahang mauunang darating sa bansa ang mga bakuna ng Pfizer ng Amerika at Sinovac ng China.

Ibinalita rin ni Galvez na nagkapirmahan na rin ang pamahalaan at ang Serum Institute ng India para sa Novovax vaccines para sa 30 million doses na dadating din ngayong taon.

Inaasahan naman na ngayong araw ay magkakapirmahan na para sa bakuna ng AstraZeneca ng UK para sa 17 million doses na posibleng dumating sa 2nd quarter ng taon. (CHRISTIAN DALE)

195

Related posts

Leave a Comment