PINAS, MINIMAL RISK NA SA COVID-19

MAGANDANG balita ang ipinarating ng Department of Health (DOH) hinggil sa kalagayan ng bansa sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa DOH, nasa ‘minimal risk’ na ang buong kapuluan bunsod ng patuloy na pagbaba ng mga kaso ng coronavirus.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mas mababa na sa 1 ang ‘average daily attack rate’ ng bansa mula Nobyembre 22 hanggang Disyembre 5.

“Nationally we remain at minimal risk case classification with a negative two-week growth rate at -57% and a low-risk average daily attack rate at 0.67 cases for every 100,000 individuals,” pahayag ni Vergeire.

Nabatid sa ulat ng DOH, 13 rehiyon din sa bansa ang nasa kahalintulad na klasipikasyon habang ang Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Zamboanga Peninsula ay nasa ‘low risk classification’ naman.

Naitala ang positivity rate ng bansa sa 1.80% habang ang Metro Manila naman ang may pinakababang rate sa 1.1% lamang.  Ang positivity rate ay ang porsyento ng mga indibidwal na nagpopositibo sa COVID-19 sa araw-araw na isinasagawang COVID-19 test sa buong bansa.

Sinabi pa ni Vergeire, nasa ‘low risk’ o mas mababa sa 50% ang utilisasyon ng lahat ng health facilities sa bansa. (RENE CRISOSTOMO)

215

Related posts

Leave a Comment