HINDI kumokontra ang Malakanyang sa ipinapakita ng survey na may mga Pilipinong nagdadalawang-isip pa rin sa pagbabakuna.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, nagbabatay sila sa survey at tanggap naman aniya nila na malaki pa ring porsiyento ang nagkakaroon ng pagdududa sa bakuna.
Aniya, lumalabas na ang pangunahing dahilan sa vaccine hesitancy ay ang safety at efficacy.
“Well, ang pinagbabatayan po natin ay ang mga survey, and we have to admit na malaki pa ring porsiyento ang hesitancy at ang pangunahing dahilan pa rin ay iyong kanilang pagdududa doon sa safety at efficacy,” anito.
Ang magagawa lang aniya nila ay paulit-ulit na sabihing ligtas at gumagana ang mga bakuna na ang nagpapatunay ay hindi lang FDA kundi pati na ang WHO. (CHRISTIAN DALE)
149
